San Miguel Beer ibabandera si Banchero kontra Slammers sa pagsisimula ng semifinals
Laro Ngayon
(Ynares, Antipolo)
8 p.m. San Miguel Beer vs Sports Rev Thailand Slammers
MANILA, Philippines - Panatilihing walang panalo sa kanila ang hahaÂngarin ng San Miguel Beer sa pag-host uli sa Sports Rev Thailand Slammers sa pagsisimula ng ASEAN Basketball League (ABL) semifinals ngayong gabi sa Ynares, Antipolo.
Apat na sunod na paÂnalo ang naitala ng Beermen sa Slammers sa head-to-head sa eliminasyon at asahan na totodo pa ang home team sa kanilang alas-8 ng gabi na tunggaÂlian para hawakan ang 1-0 bentahe sa best-of-five series.
Ito ang unang pagkakataon na gagamitin ng liga ang best-of-five series sa Playoffs at hanap ni coach Leo Austria na kunin ang unang dalawang laro para lumakas ang paghahabol na makapasok sa championship round sa ikalawang sunod na pagkakataon.
“Goal namin sa elimination round na manalo nang manalo para makuha ang homecourt advantage. Mahalaga ito dahil first two games ay sa lugar ninyo gagawin ang mga laro,†wika ni Austria.
Ipaparada rin ng Beermen ang 16-game winning streak sa Slammers na nakapasok sa semis matapos angkinin ang ikaapat at huling puwesto na aabante sa Playoffs.
“Back to zero na ang lahat. Iyong winning streak, wala ng halaga iyan lalo na kung hindi kami manalo ng title. Kaya ang goal ngayon is to take the match one game at a time,†dagdag ni Austria.
Handa ng maglaro uli si Chris Banchero habang ang import na si Justin Williams ay puwede na ring sumabak sa aksyon para mabuo uli ang tikas ng koponan.
Sina Brian Williams, Asi Taulava, Leo Avenido, Val Acuna, Paolo Hubalde at Jeric Fortuna ang iba pang mga tutulong para bigyan ng magandang panimula ang laban sa semifinals.
Huhugot naman si SlamÂmers coach Joe Bryant ng husay kay Christien Charles na naghatid ng 19.68 puntos, 14.53 rebounds, 4.11 blocks, 1.32 steals at assists para igiya ang Slammers sa 8-14 baÂraha.
Si Filipino import Froilan Baguion ay magsisilbing tinik din lalo pa’t siya ay binitiwan ng Beermen sa off-season.
- Latest