^

PSN Palaro

Malditas binokya ang Iran

Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Bangabandhu National Stadium, Dhaka)

6 p.m. (Manila time)

 Pilipinas vs Thailand

9 p.m.  Bangladesh vs Iran

 

MANILA, Philippines - Magarang panimula ang naitala ng Philippine Malditas nang talunin ang mas mataas na ranking na Iran, 6-0, sa pagbubukas ng 2014 AFC Women’s Asian Cup qualifiers noong Martes ng gabi sa Banga­bandhu National Stadium sa Dhaka, Bangladesh.

Ang 83rd ranked na Philippine team ay umiskor ng tatlong goals sa unang apat na minuto ng labanan sa 54th ranked Iranian booters para pantayan ang Thailand sa liderato sa Group B sa 1-0 baraha.

Nakuha ng 29th ranked na Thais ang unang panalo sa 9-0 shutout tagumpay sa 109th ranked Bangladesh.

Sina Heather Cooke, Megan Jurado at Jesse Shugg ang mga umiskor agad para sa Malditas. Gumawa ng ikalawang goal si Shugg sa injury time habang si Joana Houplin ang umani ng isa sa 41st minute. Ang isang goal ay own goal ng Iranian defender na si Sharshin Kamangar na ikaapat na goal sa laro.

Liderato ang paglalabanan ngayong gabi dahil magtutuos ang Thailand at Malditas.

Krusyal ang makuku­hang panalo dahil ang ma­ngunguna sa grupo ang makakakuha ng puwesto para sa Asian Cup

vuukle comment

ASIAN CUP

BANGABANDHU NATIONAL STADIUM

DHAKA

GROUP B

JESSE SHUGG

JOANA HOUPLIN

LARO NGAYON

MALDITAS

MEGAN JURADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with