Dahil sa tagumpay na tinatamasa, Phl Volcanoes team posibleng mahaluan na ng Pinoy
MANILA, Philippines - Hindi habang panahon ay mga Fil-foreigners ang bubuo sa Philippine Volcanoes na gumagawa ng marka sa larong rugby.
Ipinagmalaki ni Matthew Cullen, General MaÂnager at Head ng CommerÂcial Operations ng Philippine Rugby Football Union, na ang tagumpay na nakukuha ng Volcanoes sa mga sinalihang malalaking kompetisyon ay nagresulta para magkaroon na ng interes ang mga purong Pinoy sa team sport na ito.
Sa ngayon, ang VolcaÂnoes ay binubuo halos ng mga Filipino na may dugong dayuhan na bumabalik ng bansa ilang linggo bago sumali sa torneo.
“In Cebu, we now have 120 players playing rugby. There is also a new team being formed in Davao. We also have a developÂment team composed of young Filipino players training,†wika ni Cullen sa pagbisita sa PSA Forum kasama sina Volcanoes coach JarÂred Hodges at team captain Michael Letts.
Makakatulong din ang pagsuporta ng Philippine Sports Commission (PSC) na pumayag sa kahilingan ng PRFU na bigyan sila ng mga regional coaches na itatalaga sa Pampanga, Laguna, Cebu at Davao.
“Each year, the sport is growing smoothly especially in the last two years,†dagdag ni Cullen na tinuran din ang pagkakaroon ng ng PRFU ng isang center na kung saan nagsasanay ang Volcanoes, women’s at mga kasapi ng development team.
Kinilala ang PRFU ng Asian Rugby Football Union noong 2008 at mula rito ay patuloy ang pagyabong ng sport nang manalo sa international tournaments.
Sa ngayon, ang Volcanoes ay nasa ikaapat na puwesto sa Asian countries sa 15-a-side matapos taÂlunin ang UAE, 24-8, noong Sabado sa Rizal Memorial Football Field.
Kung sa 7-a-side ang pag-usapan, ang Pilipinas ay number three kasunod ng Japan at Hong Kong at sila ay lalaban sa World Cup sa Moscow mula HunÂyo 28 hanggang 30.
Makikita ang kalidad ng mga Pinoy sa sport na ito sa gaganaping Philippine National Games sa Hunyo 2 sa Nomads sa ParañaÂque dahil sa pagdating ng dalawang Cebuano teams at ang Davao.
- Latest