Sadorra giniba si Wang para sumalo sa itaas
MANILA, Philippines - Iginupo ni Filipino GrandÂmaster Julio Catalino Sadorra si Chinese International Master Wang Chen para makisalo sa first place kay Qatari GM Mohammed Al-Sayed sa third round ng $100,000 Asian Continental Chess Championships sa Midas Hotel and Casino sa Pasay City.
Naglaro ng itim na piyesa, ginamit ng 26-anyos na si Sadorra ang French Defense para atakehin si Wang.
Pinuwersa ni Sadorra, may kursong Business Administration sa University of Texas-Dallas, si Wang na isuko ang isang pawn sa hangaring mailigtas ang kanyang rook bago nagretiro matapos ang 30 moves.
“That pawn move was a mistake,†sabi ni Sadorra, ang ikalawang highest-ranked Filipino player na may ELO rating na 2561 sa ilalim ni eighth pick GM Oliver Barbosa.
Nakasalo ni Sadorra sa itaas si Al-Sayed, ginamit ang Slav Defense para taÂlunin si fifth pick VietnaÂmese GM Nguyen Ngoc Truong Son sa 45 moves.
Parehong may 3.0 points sina Sadorra at Al-SaÂyed.
Natalo naman si Emmanuel Emperado, gumiba kina GMs Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia at G.N. Gopal ng India, kay No. 2 Chinese super GM Li Chao sa 31 moves ng isang Queen’s Pawn duel.
Napasama si EmpeÂrado sa isang eight-man group mula sa kanyang 2.5 points kapareho nina Filipino GMs Darwin Laylo, John Paul Gomez, Richard Bitoon at Mark Paragua.
- Latest