National Memory Championships ikinasa sa May 25
MANILA, Philippines - Magkakaroon ng pagÂkakataon ang mga maÂhuhusay na atleta sa mind sports sa paglarga ng National Memory Championships sa Mayo 25 sa Alphaland Southgate Mall, Pasong Tamo Extension sa kanto ng EDSA Magallanes, Makati City.
Inorganisa ng Philippine Mind Sports Association (PMSA) sa pangunguna ni Roberto Racasa, ang kinikilalang “Father of Philippine Memory Sportsâ€, ang tagisan ay hinati sa tatlong dibisyon at paglalabanan dito ang sampung events.
Ang mga kategorya ay sa Kids (12-pababa), Junior (13-17) at Adult (18-pataas) habang ang mga events ay Names and Faces (5 minutes); Binary Numbers (5 minutes); Random Numbers (15 minutes); Abstract Images (15 miÂnutes); Speed Numbers (5 minutes); Historic/Future Dates (5 minutes); Spoken Numbers (100 seconds & 300 seconds) at Speed Cards.
Hanap ng torneo na makakita ng mga may potensyal para lumawig ang bilang ng mga Filipino na puwedeng pagpilian upang maipadala sa malalaking Mind Games events sa labas ng bansa.
Ang Pilipinas ay isa sa tinitingala sa sport na ito at noong 2012 World Memory Championship sa London, ang Pilipinas ay tumapos sa ikatlong puwesto sa likod ng Germany at Sweden.
Ang mga magnanais na sumali o kumuha ng karagdagang impormasyon ay maaaring tumawak sa landline na 389-1911 o cell numbers 0919-2152222 o 0916-7321057.
- Latest