PABA umaasang papayagan ng PSC na makasali sa PNG
MANILA, Philippines - Nananalig ang pamunuan ng baseball na pahihintulutan ang kanilang national players na makalaro bilang isang koponan sa gaganaping 2013 Philippine National Games mula Mayo 25 hanggang Hunyo 2 sa Rizal Memorial Baseball Stadium.
Nagbaba ng kautusan ang namamahala ng PNG na si PSC Commissioner Jolly Gomez na hindi maaaring magsama-sama ang mga kasapi ng national team at sa halip ay dapat na ipamahagi ito sa ibang kasaling teams para maging balansiyado ang labanan.
Ikinatuwiran pa ni Gomez na ang desisyon ay dahil sa disbanded na rin ang pambansang koponan kaya’t hindi maaaring maipasok bilang isang koponan.
Ang bagay na ito ay epektibo rin sa softball na tulad ng baseball ay inalisan na ng allowances ang mga manlalaro dahil sa pagkakaalis ng team sport sa gaganaping 2013 Myanmar SEA Games.
Pero hindi kumporme si PABA president Hector Navasero na iginiit na hindi ang PSC kungdi ang NSA ang nagdedesisyon kung ang isang national team ay disbanded o buo pa.
“Funding ang role nila at hindi ang magsabi na disbanded kami o kung sino pa. Ito ang kanilang sinasabi rin noon pa man na ang NSA ang siyang magdedesisyon hinggil sa kani-kanilang national teams,†wika ni Navasero.
Itinutulak ng PABA na maglaro bilang isang koponan ang national team dahil tulad ng PSC, nais din ng NSA na makita kung ang kanilang manlalaro ay siya pa rin pinakamahusay sa kanilang mga pinaglalaruang puwesto.
May 12 teams na ang kasali at bukod sa Rizal Memorial Diamond ay magdaraos din ng aksyon sa UST field.
- Latest