Abot kamay na ng Heat, Grizzlies
CHICAGO--Hindi biÂnigÂyan ni LeBron James at ng Miami Heat ang Chicago Bulls ng pagkakataon para kunin ang 3-1 lead sa kanilang Eastern ConfeÂrence semifinals series.
Umiskor si James ng 27 points para pangunahan ang Heat sa 88-65 panalo laban sa Bulls sa Game 4 ng kanilang best-of-seven semis showdown palapit sa kanilang ikalawang sunod na finals appearance.
Nagdagdag din si JaÂmes ng 8 assists at 7 reÂbounds.
Tumapos naman si Chris Bosh ng 14 points matapos magtala ng 20 markers at 19 rebounds sa panalo ng Heat sa Game 3.
Muling nanalo ang MiaÂmi bagamat may 6 points lamang si Dwyane Wade na apektado pa rin ng kanyang right knee injury.
Ang 65 points ng Chicago ang pinakamasamang offensive performance sa playoffs.
Kinuha ng Miami ang isang 11-point lead sa first half at tinambakan ang Chicago sa third quarter mula sa isang 17-9 palitan.
Pipilitin ng Heat na tapusin ang kanilang serye ng Bulls sa Game 5 sa Miyerkules sa Miami.
Sa Memphis, kinuha ng Grizzlies ang 3-1 bentahe sa kanilang Western ConfeÂrence semifinals series matapos igupo ang Oklahoma CiÂty Thunder sa overtime, 103-97, sa Game 4.
Ang 16-footer ni Marc Gasol ng Memphis sa huling 23.8 segundo sa overtime ang tuluyan nang nagpabagsak sa Oklahoma City.
Pinamunuan ni Mike Conley ang GrizzÂlies mula sa kanyang 24 points, habang nagdagdag sina Gasol at Zach Randolph ng tig-23 markers at nagtumpok ng pinagsamang 23 rebounds.
Tumapos si Kevin Durant na may 27 points para sa Thunder kasunod ang 18 ni Kevin Martin at 17 ni Serge Ibaka.
Nakatakda ang GaÂme 5 sa Miyerkules sa Oklahoma City kung saan nanalo ang GrizzÂlies sa Game 2.
- Latest