^

PSN Palaro

Fruitas lumapit sa semis

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

2 p.m. Cagayan Valley vs Cebuana Lhuillier

4 p.m.  NLEX vs EA Regen

 

MANILA, Philippines - Naipasok ni Jan Colina ang isang undergoal stab upang bitbitin ang Fruitas sa 73-69 panalo sa Café France at manatiling buhay ang paghahabol na makuha ang awtomatikong puwesto sa semifinals sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Nakitang naglaho ang 16 puntos kalamangan, 61-45, sa ikatlong yugto, ang natatanging puntos ni Colina mula sa sablay na birada ni Pong Escobal ang nagtulak sa Shakers sa 72-69 bentahe sa huling 14 segundo.

Sunod  ay nag-error si Alfred Batino dahilan upang  mangailangan ng foul si Raymund Maconocido kay Anjo Caram tungo sa split at bigyan ang tropa ni coach Nash Racela ng apat na puntos na kalamangan sa huling isang segundo sa shotclock.

“Broken play na sana pero andoon si Jan sa tamang puwesto,”  ani Ra­cela na kinuha ang ikapitong panalo matapos ang 10 laro.

Mahalaga ang panalo dahil nasabayan ng Fruitas ang 85-75 tagumpay ng Blackwater Sports sa Hog’s Breath sa ikalawang laro.

Tinapos ng Elite ang eliminasyon bitbit ang 8-3 karta ngunit kailangan pa nilang antayin ang resulta ng huling laro ng Shakers laban sa Boracay Rum sa Huwebes para malaman kung sila ba ang aabante sa semifinals.

Isang panalo pa ng Sha­kers sa Waves ay magreresulta para magkatabla ang dalawa sa 8-3 karta at bababa sa quarters ang Elite dahil nanalo ang Fruitas sa kanilang tagisan.

vuukle comment

ALFRED BATINO

ANJO CARAM

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

FRUITAS

JAN COLINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with