Elite pinigil ng Waves
MANILA, Philippines - Sinorpresa ng Boracay Rum ang Blackwater Sports, 96-89, para tumibay pa ang paghahabol sa quarterfinals sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Arena sa Pasig City.
Ginamit ng Waves ang mainit na shooting sa kinuhang 53.4 shooting (39-of-73) at ang dalawang 29 puntos na ginawa sa ikalawa at ikatlong yugto para layuan ang Elite sa 81-66 papasok sa huling yugto.
Ikaanim na panalo sa 10 laro ito ng tropa ni coach Lawrence Chongson habang bumaba ang Elite sa ikatlong pagkatalo sa pitong panalo.
Kailangan ngayon ng tropa ni coach Leo Isaac na maipanalo ang huling laro laban sa Hog’s Breath at ipanalangin na matalo ang Fruitas sa isa sa dalawang laro upang makopo ang awtomatikong puwesto sa semifinals.
Dinurog ng NLEX ang Informatics Icons, 96-64, para kunin ang ikapitong sunod na panalo at agawin ang liderato sa 12 koÂpoÂnang liga.
Kailangan na lamang ng Road Warriors na maipanalo ang isa sa dalawang laro para umusad sa semifinals.
Nangibabaw din ang EA Regens sa Jumbo Plastic, 105-79, para saluhan ang Waves at Cagayan Valley sa ikaapat hanggang anim na puwesto sa 6-4 baraha.
- Latest