^

PSN Palaro

Huling tiket sa final four pipitasin Lady Tigresses maninigurado vs Altas

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. La Salle-Dasma

 vs Arellano

4 p.m. Perpetual Help

vs UST

MANILA, Philippines - Iiwas ang UST sa anu­mang kumplikasyon sa pag­pasok sa semifinals sa Shakey’s V-League Sea­son 10 First Conferen­ce sa pag-asinta ng panalo sa Perpetual Help sa pagtatapos ngayon ng quarterfinals sa The Arena sa San Juan City.

Sa ganap na alas-4 ng hapon magtutuos ang Tigresses at Lady Altas at kailangan ng una na ma­nalo para kunin ang ikat­long sunod na panalo sa Group 2 at makasama ng Adamson (2-1) sa Final Four sa ligang inorganisa ng Sports Vision at suportado ng Shakey’s.

Sa kabilang banda ang Lady Altas ay makikipagpukpukan sa katunggali dahil ang mahahagip na panalo ay magsisilbing tiket nila upang sila ang umusad sa semifinals sa ligang may ayuda pa ng Accel at Mikasa.

Kung malusutan ng Per­petual at UST, magka­karoon ng three-way tie sa 2-1 ang dalawang kopo­nan ay ang pahingang Adamson. Sa ganitong sit­wasyon, ang Lady Altas ang aangat sa unang puwesto sa quotient system at aabante sa susunod na round habang maiiwan ang Tigresses at Lady Falcons na magtagisan para sa huling puwesto sa Linggo.

Ang National University na hindi pa natatalo sa anim na laro at ang nag­dedepensang kampeon na Ateneo ang mga naka­pasok na sa semis sa Group A.

Galing ang Lady Altas sa 25-19, 25-27, 25-23, 25-22, panalo sa San Sebastian sa huling laban at sasandal sila sa tikas nina Sandra delos Santos, Honey Rose Tubino, Norie Diaz at April Sartin para mailusot ang panalo.

Ang pride ng isang six-time champion sa liga ang siyang huhugutan ng dagdag na lakas ng UST para palakasin ang pakay na ikapitong kampeonato.

Sina Aiza Maizo, Maika Ortiz, Carmela Tunay, Pamela Lastimosa at Rhea Dimaculangan ang mga magtutulong-tulong para maigupo ang inaasahang malakas na hamon ng Lady  Altas.

vuukle comment

ADAMSON

ANG NATIONAL UNIVERSITY

APRIL SARTIN

CARMELA TUNAY

FINAL FOUR

LADY ALTAS

PERPETUAL HELP

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with