^

PSN Palaro

Yao ipinagtanggol ni Garcia sa mga kritisismo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idinepensa kahapon ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richie Garcia ang ginawang pang-iisnab ni dating NBA star Yao Ming sa kanyang mga fans at maging sa local media.

Sinabi ni Garcia na ginawa ito ni Yao dahil sa personal na kadahilanan at ginamit ang Chinese language sa pakikipag-usap sa kanyang mga kasamang media na nagmula sa Shanghai.

Sinabi ni Garcia, nanguna sa goodwill tour ng Shanghai delegation, na nakipag-usap siya kay Yao sa wikang Ingles at hindi nahirapan sa pakikisalamuha sa 7-6 giant.

Maging si Vice President Jejomar Binay ay kinausap si Yao sa Ingles sa courtesy call ng Chinese center sa Coconut Palace noong Lunes.

 â€œI think Yao chose to speak to media in Chinese in deference to the delegation that came with him from Shanghai as he wanted to make sure he was understood by his companions,” sabi ni Garcia.

Inulan ng kritisismo ang 32-anyos na si Yao mula sa local media dahil sa pag-iwas nito sa kanyang mga fans na gustong makakuha ng kanyang autograph o ng litrato.

 Umupo siya malapit sa bench ng Shanghai Sharks sa kanilang laban ng Gilas Pilipinas sa  SM MOA Arena noong Lunes at nang lumapit si TV courtside reporter Sel Guevara para sa isang interview ay itinuro siya ni Yao sa kanyang interpreter.

vuukle comment

COCONUT PALACE

GARCIA

GILAS PILIPINAS

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICHIE GARCIA

SEL GUEVARA

SHANGHAI SHARKS

SINABI

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

YAO

YAO MING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with