Pukpukan sa krusyal na panalo sa Game 3
Laro Ngayon
(Smart Araneta Coliseum)
5:15 p.m. San Mig Coffee vs Alaska
7:30 p.m. Talk ‘N Text
vs Barangay Ginebra
MANILA, Philippines - Muling iinit ang mga aksyon sa pagbabalik ng semifinal round ng 2013 PBA Commissioner’s Cup.
Magtatapat ang Barangay Ginebra at Talk ‘N Text ngayong alas-7:30 ng gabi matapos ang salpukan ng nagdedepensang San Mig Coffee at Alaska sa alas-5:15 ng hapon sa Game Three ng kanilang mga seÂmifinals showdown sa Smart Araneta Coliseum.
Parehong nagtabla sa 1-1 ang mga best-of-five semifinals series ng Gin Kings at Tropang Texters at ng Mixers at Aces.
Para palakasin ang kanilang tsansa laban sa Ginebra, pinauwi ng Talk ‘N Text si seven-foot import Jerome Jordan para hugutin si 6-foot-6 reinforcement Tony Mitchell na makakaÂtapat ni Vernon Macklin.
Nanggaling si MitÂchell sa pagkampanya sa NBA D-League kung saan siya ang nahirang na Rookie of the Year at naging ikalaÂwang leading scorer ng regular season.
“How to defend Macklin will be our No. 1 concern. All of our bigs will have to step up and we will have to have solid team defense and rebounding,†sabi ni Texters’ coach Norman Black.
Sa unang laro, itinutuÂring naman ni San Mig mentor Tim Cone ang kaÂnilang labanan ng Alaska ni coach Luigi Trillo na isang best-of-three series.
“After such a long break, it truly does feel like a best-of-three. It’s almost like a completely different series,†wika ni Cone. “But like any best-of-three, that first game is always crucial.â€
- Latest