^

PSN Palaro

Para manalo sa FIBA-Asia ‘Instinctive basketball’ kailangan ng Gilas 2

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kung paano madedevelop ang instinctive basketball sa Gilas National team na ilalaban sa FIBA Asia Men’s Championship sa Agosto sa bansa ang isa sa malaking problemang hinaharap ni National coach Chot Reyes.

Sa pulong pambalitaan matapos kunin ng Gilas ang 80-72 panalo sa Shanghai Sharks ng China noong Lunes ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City, sinabi ni Reyes na mahalaga na matuto ang mapipiling  manlalaro sa Pambansang koponan ng instinctive basketball upang maipanalo ang mga dikitang labanan na siya niyang inaasahan na mangyayari sa Agosto dahil sa paglahok ng 15 pinakamahuhusay na basketball teams sa rehisyon.

“One thing that we need to learn is how to play instinctive basketball. The best teams in FIBA are teams that have been together for so long like Argentina and Spain. Nagkakaamuyan na sila and I think that’s what we need to develop,” wika ni Reyes.

Bumaba sa 15 manla­laro ang national pool na naunang binuo ng 17 pla­yers matapos mawala sa talaan sina Kelly Williams at Jared Dillinger dahil sa problema sa kalusugan ng una at ang car accident na tumama sa huli.

AGOSTO

ARGENTINA AND SPAIN

ASIA MEN

CHOT REYES

GILAS NATIONAL

JARED DILLINGER

KELLY WILLIAMS

MALL OF ASIA ARENA

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with