^

PSN Palaro

Gadi, Carlos papalo sa PBaRS semis

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalusutan nina Toby Gadi at Bianca Carlos ang mga panonorpresang hatid ng mga hindi gaanong pinaborang manlalaro para makapasok sa semifinals sa premier Open singles event sa MVP Sports Foundation-Philippine Badminton Ranking System (PbaRS) sa San Fernando, Pampanga kahapon.

Kinailangang itaas ni Gadi ang antas ng pagla­laro sa ikalawa at ikatlong sets para pawiin ang pag­­katalo sa unang set tu­­ngo sa 20-22, 21-13, 21-10, panalo laban kay Rjay Ormilla para umusad sa quarterfinals na nilaro noong Sabado sa Excel Badminton Center.

Kahapon ay hinarap niya si 12th seed Kevin Cudiamat at pinadapa ito ng manlalaro mula Golden Shuttle Foundation, 21-19, 21-14, upang umabante sa Final Four laban sa kasamahan sa koponan na si Justin Natividad.

Tinalo ni Natividad si third seed Peter Magnaye, 19-21, 27-25, 21-9, sa Last 16 at Roslee Pedrosa, 21-18, 19-21, 21-16 sa quarterfinals.

Sa kabilang banda, si Carlos ng GSF ay pinagpahinga si Danica Bolos, 21-9, 21-10, para itakda ang pagkikita nila ng nagbabalik na si Nikki Servando ng Escoses Training Camp na tinalo si Dia Magno, 21-5, 21-18, sa palarong suportado ng MVP Sports Foundation.

Namuro rin si Carlos na makadalawang ginto sa patimpalak na may ayuda ng Victor, nang panalo kay Annie Jung, 21-1, 21-4, para umabante sa U-19 quarterfinals laban kay Marina Caculitan na pinagpahinga si Airish Macalino, 21-9, 21-17.

Si Joshua Monterubio ang nanguna sa mga umusad sa boys’ U-19  nang manaig kay Andrew Pineda, 21-19, 21-18, sa palarong may basbas ng Philippine Badminton Association na pinamumunuan ni Vice President Jejomar Binay bilang pangulo, bu­sinessman/sportsman Manny V. Pangilinan bilang chairman at Rep. Albee Benitez bilang sec-gen.

Ang iba pang sumusu­porta sa torneo ay ang Gatorade, Vineza, Sincere Contruction at Krav Maga Philippines habang ang TV5, The Philippine Star at Badminton Extreme Philippines Magazine ang mga media partners.

 

vuukle comment

AIRISH MACALINO

ALBEE BENITEZ

ANDREW PINEDA

ANNIE JUNG

BADMINTON EXTREME PHILIPPINES MAGAZINE

BIANCA CARLOS

DANICA BOLOS

DIA MAGNO

ESCOSES TRAINING CAMP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with