Thunder, Pacers, Knicks; Grizzlies pasok sa 2nd round
HOUSTON-- Nag-text si Kevin Durant kay Kevin Martin para palakasin ang loob nito matapos ang masamang inilaro sa Game 5.
Alam ni Durant na baÂbawi si Martin.
Umiskor si Durant ng 27 points, habang may 25 si Martin para pangunahan ang Oklahoma City Thunder sa 103-94 panalo kontra sa Houston Rockets para tapusin ang kanilang first-round playoff series sa 4-2.
Lalabanan ng Thunder ang Memphis Grizzlies sa pagsisimula ng second round sa Linggo.
Sa Game 5, tumapos si Martin, nakuha ng Thunder sa trade kapalit ni James Harden, na may 3 points kumpara sa Game 6 kung saan siya humugot ng 21 points sa halftime.
Hangad sana ng RocÂkets na maging ikalawang koponan sa NBA history na nakapuwersa ng Game 7 matapos mabaon sa 0-3 sa serye.
Si Martin ang pumalit kay All-Star guard Russell Westbrook, sumailalim sa isang season-ending knee surgery, sa starting line-up ng Oklahoma City, habang nagdagdag si Reggie Jackson ng 17 points.
Sa Atlanta, tumipa sina George Hill at David West ng tig-21 points at tinalo ng Indiana Pacers ang Atlanta Hawks, 81-73, para tapusin ang kanilang serye sa 4-2.
Matapos wakasan ang isang 13-game losing slump sa Atlanta sapul noÂong Disyembre 2006, bibiyahe ang Indiana patuÂngong New York para labanan ang Knicks sa second round.
Nakatakda ang Game 1 sa Linggo sa Madison Square Garden.
Sa Boston, nagsalpak si Carmelo Anthony ng isang pullup jumper kasunod ang pagkonekta ng una niyang 3-pointer matapos ang 0-of-20 shooting para pamunuan ang New York Knicks sa 88-80 paggupo sa Boston Celtics.
Isinara ng Knicks ang kanilang serye ng Celtics sa 4-2.
Sa Memphis, gumawa sina Mike Conley at Zach Randolph ng tig-23 points para igiya ang Memphis Grizzlies sa 118-105 panalo laban sa Los Angeles Clippers at itiklop ang kanilang serye sa 4-2.
Ang Grizzlies ang naÂging pang-10 koponan sa NBA history na nanalo ng apat na sunod na laro matapos ang 0-2 pagkakaiwan sa serye.
Lalabanan nila sa seÂcond round ang Oklahoma City Thunder.
- Latest






















