Tinalo ang Lady Chiefs, Stags: Lady Eagles, Falcons lumapit sa semis
Laro sa Linggo
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. Adamson vs UST
4 p.m. Ateneo vs National U
MANILA, Philippines - Hindi nawala bagkus ay patuloy ang matikas na paglalaro ng nagdedepensang Ateneo nang kunin ang madaling 25-18, 25-17, 25-23, straight sets panalo sa Arellano sa pagbubukas ng Shakey’s V-League Season 10 First ConfeÂrence kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Lady Eagles sa Group I at natapatan ng koponan ang bigÂlang lakas ng Lady Chiefs sa ikatlong set sa pagbibida ni Rachel Ann Daquis.
May 12 attack point si Daquis at ibinigay niya ang huling tatlong puntos para makabangon ang Lady Eagles mula sa 22-23 iskor at mangailangan na lamang ng isang panalo para pumasok sa semifinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
“Nagkaroon kami ng mga errors at sumama ang receive namin kaya nakabalik sila sa third set. Pero naka-cope up naman kami sa huli,†wika ni Daquis.
Samantala, lumapit din sa isang panalo ang AdamÂson nang maigupo ang hamon ng San Sebastian, 25-21, 25-20, 23-25, 25-20, tagumpay sa unang laro.
May 21 puntos si Angele Benting mula sa 15 kills at 5 blocks habang tatlong kakampi pa ang may doble-pigurang puntos para sa Lady Falcons na umabante sa 2-0 karta sa Group 2.
Tumipa ng 23 attack points si Jeng Bualee tungo sa nangungunang 25 hits para bigyan ang Lady Stags ng 54-53 kalamangan sa departamento.
Pero mas mahusay ang Lady Falcons sa blockings at service nang hawakan ang 15-6 at 6-2 kalamangan para katampukan ang panalo sa larong tumagal ng 1:15 minuto.
- Latest