^

PSN Palaro

Panique, delos Santos sa 2nd Del Run

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinuha ng mga national athletes na sina Eric Panique at Mary Grace delos Santos ang pinaglabanang 2nd Del Run (Save The Marikina Watershed) na ginawa noong Linggo sa Marikina Sports Park.

Sa 21-k distansya ku­marera ang dalawang premyadong marathoners at si Panique ng Hima­maylan City ay naorasan ng 1:13:01 habang si Delos Santos ay may 1:29:34).

Pumangalawa sa kala­la­kihan si Ireneo Raquin (1:13:06) habang si Rene Desuyo ang pumangatlo(1:21:33).

Sina Janice Tawagan (1:35:27) at Cinde­rella Lorenzo (1:42:00) ay pumangatlo sa kababaihan.

Sa iba pang nagsipanalo, si Richard Solano (33:17) at Janette Agura (42:26) ang kampeon sa 10-K; wina Ferdinand Corpuz (13:21) at Mae Ann Gongob (18:20) ang sa 5-k.

Kinilala naman sina Ralph Roxas (10 anyos) at Izza Aga (8) anyos ang pinakabatang tumapos sa karera habang si 71-anyos na si Renato Garcia ang pinakamatandang runner.

Nasa 1,500 runners ang sumali sa pa­tak­bong inorganisa ni Marikina Ma­yor Del de Guzman na ang layunin ay makalikom ng pondo na gagamitin para sa pagtatanim ng 100,000 robusta coffee at maprotektahan ang 27,000 ektar­yang Marikina Watershed.

DEL RUN

DELOS SANTOS

ERIC PANIQUE

FERDINAND CORPUZ

IRENEO RAQUIN

IZZA AGA

JANETTE AGURA

MAE ANN GONGOB

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with