Mexican boxer TKO kay Farenas
MANILA, Philippines - Matapos ang kabiguan nina dating world boxing champions Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria, isang malaking panalo naman ang kinuha ni Filipino junior lightweight contender Michael Farenas.
Umiskor si Farenas ng isang first-round TKO victory laban kay Mexican boxer Gerardo Zayas sa kanilang non-title, eight-round bout kahapon sa Erwin Center sa Austin, Texas, USA.
Dahil dito, lumakas ang tsansa ng tubong GuÂbat, Sorsogon para sa isang lehitimong title shot kay International Boxing Federation junior lightweight title-holder Argenis Mendez ng San Juan de la Maguana, Dominican Republic.
Nakuha ni Mendez ang IBF crown matapos patumbahin si Juan CarÂlos Salgado sa four rounds sa kanilang rematch noong Marso.
Tatlong beses namang pinabagsak ng 25-anyos na si Farenas si Zayas sa first round bago itinigil ng referee ang laban.
Bago ang panalo kay Zayas ay nagmula si FaÂreÂnas sa kabiguan kay Yuriorkis Gamboa noong Disyembre 8 sa undercard ng Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez IV sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Itinaas ni Farenas ang kanyang win-loss-draw ring record sa 35-4-4 kasama ang 27 knockouts.
Kung mapaplantsa ni Bob Arum ng Top Rank ProÂmotions ang paghahaÂmon ni Farenas kay Mendez (21-2-0, 11 KOs), ito ay ibibilang sa undercard ng ikalawang professional fight ni two-time Olympic gold medalist Zou Shiming sa Hulyo 27 sa Venetian Casino & Resort sa Macau.
- Latest