^

PSN Palaro

Subit Triathlon lalarga ngayon mga bigating triathletes sasabak na sa aksyon

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maipagmamalaki ng Triathlon Association of the Philippines ang K-Swiss Su­bic Bay ASTC Asian Triathlon Championship (SUBIT) sa Subic Bay Freeport bilang pinakama­laki sa kasaysa­yan ng kompetisyon.

Magsisimula ngayon ang tatlong araw na paligsahan sa triathlon at ang mga bigating triathletes sa mundo ay sasali sa Elite Male at Female para pa­tingkarin ang palarong inorganisa ng TRAP katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SMBA) at may basbas ng K-Swiss.

Bukod sa kompetisyon ay may magaganap na pag­pupulong sa hanay ng Asian Triathlon Confederation na ginawa kahapon sa Lighthouse Marina Resort at nanguna sa dumalo ay ang ASTC president Yu Kung Sun.

Bukod kay Sun ay nasa bansa rin ang ITU Sports Director Gergely Markus na sasaksihan ang torneo.

Sina POC president Jose Cojuangco at PSC commissioner Salvador Andrada ang mangunguna sa mga local officials na magpapakita ng suporta sa tatlong araw na event na may ayuda rin ng Standard Insurance, Century Tuna, SPEEDO, David’s Salon, Asian Centre for Insulation Philippines (ACIP), Gatorade, Fitness First, Garmin, Canon, PLDT, Harbor Point Ayala Mall, SM Cares Subic at Philippine Sports Commission.

 

ASIAN CENTRE

ASIAN TRIATHLON CHAMPIONSHIP

ASIAN TRIATHLON CONFEDERATION

BUKOD

CARES SUBIC

CENTURY TUNA

ELITE MALE

FITNESS FIRST

HARBOR POINT AYALA MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
13 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with