^

PSN Palaro

Big city athletes namumuro sa overall title: Ika-4 na palaro record kay Castrillo

Pilipino Star Ngayon

DUMAGUETE , Philippines -Lu­ma­ngoy ang 12-an­yos na si Regina Erin Castrillo sa kanyang ikaapat na Pala­rong Pambansa record at tumibay ang laban para maging Most Valuable Player sa elementary division sa swimming competition na ginagawa sa Teves Aquatics Center sa Dumaguete City, Negros Oriental dito.

Dalawang beses na binura ni Castrillo ang record sa girls 12-under 100 meter butterfly bago nakontento sa 1:06.92 oras.  Ang dating record ay 1:09.38 na hawak ni Francis Pillado at ginawa noong 2011 pero winasak na ito ng batang NCR tanker sa prelims ka­hapon ng umaga sa 1:08.29 marka.

“Wish ko po talaga na maipanalo ko ang lahat ng seven events ko. Masaya po dahil halos hawak  ko na ang MVP,” wika ni Castrillo na nasa ikatlong paglahok sa Palaro at ang dating pinakamagandang naitala ay sa Lingayen, Pangasi­nan noong 2012 nang ma­kasungkit ng limang gin­­tong medalya.

Bago ito, si Castrillo na naglaro na sa labas ng bansa, ay winasak ang re­cords sa 50m butterfly (30.14), 200m Individual Medley (2:37.16) at 200m medley relay (2:13.52).

Ang record na nakalusot kay Castrillo ay sa 100m freestyle sa 1:04.77 tiyempo.

Si Catherine Bondad ay nakakuha ng kanyang ikalimang ginto nang pamunuan ang girls 13-17 800m freestyle sa 9:55.75 at ang Big City tankers ay may 24 gintong medalya na matapos ang 42 events.

Umani rin ng atensyon si Angelica de Josef ng tabunan niya ang 18 taong record sa secondary girls 800m run nang maorasan ng 2:17.2 tungo sa ginto para sa Western Visayas.

Ito ang unang taon sa secondary ni De Josef na noong nakaraang taon ay binura ang record sa elementary girls 800m run sa 2:18.8 tiyempo.

 

BIG CITY

CASTRILLO

DE JOSEF

DUMAGUETE CITY

FRANCIS PILLADO

INDIVIDUAL MEDLEY

MOST VALUABLE PLAYER

NEGROS ORIENTAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with