^

PSN Palaro

NU, SWU umiskor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naipasok ni Robin Rono ang mahalagang tres at nilapa ng National University ang St. Benilde, 70-67, sa Filoil Flying V Hanes Premier Cup kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Itinabla ni Dexter Garcia ang iskor sa 67-all bago nalibre si Rono para ibigay sa Bulldogs ang ikalawang sunod na panalo.

Si Bobby Park ay mayroong 15 puntos habang sina Troy Rosario at Alfred Arogo ay naghatid ng 14 at 10 puntos para sa NU na hinawakan ni assistant coach Joey Guanio dahil si head coach Eric Altamirano ay sinamahan ang asawang si Marissa na inoperahan kahapon.

Samantala, nakuha ng Southwestern University ang unang panalo sa torneo nang daigin ang Lyceum, 74-64.

Sa pagdadala ni Javy Bautista at mga buslo nina Bernie Bregondo, Landry Sanjo at Melvin Holper, na­gawang lumayo ang Cobras sa 66-57 sa huling 1:53 sa labanan.

Si Holper na kapatid ng dating PBA player na si Mike Holper ay mayroong 13 puntos habang si Shane Ko ay mayroong 21 puntos para sa natalong Pirates.

“Morale boosting kasi first win against Manila teams,” ani Bautista. “Maybe when we go back to Cebu tataas ang confidence namin. Mas grabe ang physicality dito sa Manila.”

Tumapos si Shane Ko  ng 21 puntos upang banderahan ang LUP.

vuukle comment

ALFRED AROGO

BERNIE BREGONDO

DEXTER GARCIA

ERIC ALTAMIRANO

FILOIL FLYING V HANES PREMIER CUP

JAVY BAUTISTA

JOEY GUANIO

LANDRY SANJO

SHANE KO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with