Concepcion sasalang din sa aksyon: Pumicpic idedepensa ang titulo vs Indon
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng 22-anyos na si Richard Pumicpic na makagawa pa ng paÂngalan sa larangan ng professional boÂxing sa pagharap sa knockout artist ng Indonesia na si Junior Bajawa ngayon gabi sa Muntinlupa Sports Complex, Muntinlupa City.
Itataya ni Pumicpic ang hawak na WBC Youth Silver bantamweight title na siyang main event sa 10-fight card na handog ng Shape Up Boxing Promotion ni Anson Tiu Co.
Ito ang ikalawang pagdepensa ng tuÂbong Zamboanga del Norte boxer sa titulong pinagwagian kontra kay Ratchasak Kokietgym noong Pebrero 20, 2012 sa Thailand.
“Kinakabahan din dahil bantamweight champion ng Indonesia si Bajawa. Pero si Pumicpic, maitutuÂlad siya kay Congressman Manny Pacquiao sa ensayo dahil lagi siyang 100% sa training at hindi nagrereklamo,†wika ni Tiu matapos ang isinagawang weigh-in kahapon ng umaga sa Century SeaÂfoods Restaurant sa Malate, Manila.
May 11 panalo sa 18 laban, kasama ang 4KO si Pumicpic pero galing siya sa tablang laban kontra kay Yohei Tobe ng Japan noong Pebrero 11 sa lugar ng huli.
Ang 22-anyos Indonesian challenger ay may 14-1 karta, kasama ang 7 KO, at ang huling tatlong laban niya ay nauwi sa KO panalo.
Walang naging probleÂma sa pag-abot ng dalawang boksingero sa 118-pound limit dahil sa ekÂsaktong timbang pumaÂsok si Pumicpic habang sa 117-pound si Bajawa.
Kasama rin sa sasalang sa aksyon ay ang nagbabalik na si dating two-time world title challenger BernaÂbe Concepcion laban sa isa pang Indonesian boxer na si Boido Simanjuntak sa isang 10-round fight sa featherweight division.
Unang laban ito ng 25-anyos na si Concepcion matapos manalo sa pamamagitan ng second round KO kay Richard Olisa noong Oktubre, 13, 2012 sa Batangas.
Nasa 124-pounds si Concepcion habang ang 28-anyos na si Boido na may 16 panalo sa 34 laban, ay nasa mas magaan na 122-pounds.
Ang unang laban ay itinakda sa alas-5 ng hapon at libre ito sa publiko.
- Latest