^

PSN Palaro

Ruta ng SUBIT okey sa ITU official

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binigyan ni International Triathlon Union technical official Qin Jianqui ng go signal ang ruta at iskedul ng karera ng 2013 Asian Triathlon Championship-20th K-Swiss Subic Bay Triathlon (SUBIT) na gagawin sa Subic Bay Freeport mula  Abril 27 hanggang 29.

“Matapos ang palitan ng komunikas­yon gamit ang electronic mails ay binigyan na ng clearance ni Qin ang rutang gagamitin at ang schedule ng karera. Si  TRAP president  Tom  Carrasco Jr. ay nasa Subic ngayon para tingnan kung ano pa ang ibang kailangan para matiyak na magi­ging matagumpay ang ATC,” wika ni TRAP vice president Red Dumuk sa SCOOP sa Kamayan-Padre Faura.

Bigating triathletes mula sa iba’t bang bansa ang da­rating para maglaro sa elite divisions sa Abril 27.

Ang mga Olympians ng Japan na sina Hirokatsu Tayama at Mariko Adachi ang ilan sa may mga pangalan na triathletes na darating para ipakita ang angking husay sa swim-bike-run event na inorganisa ng TRAP katuwang ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) at suportado ng K-Swiss.

 

ABRIL

ASIAN TRIATHLON CHAMPIONSHIP

CARRASCO JR.

HIROKATSU TAYAMA

INTERNATIONAL TRIATHLON UNION

K-SWISS SUBIC BAY TRIATHLON

KAMAYAN-PADRE FAURA

MARIKO ADACHI

QIN JIANQUI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with