Lakers vs Spurs sa 1st round Blake, Gasol nagbida sa panalo kontra Rockets
LOS ANGELES -- Ang hiÂnaÂhangad na tiket sa playoffs ay dumating sa pintuan ng Los Angeles Lakers bago pa man nila labanan ang Houston Rockets noong MiyerÂkules.
Ito ay dahil na rin sa 86-70 pananaig ng Memphis Grizzlies laban sa Utah Jazz na halos 2,000 milya ang layo sa Los Angeles.
Tinalo ng Lakers ang Houston Rockets, 99-95, para angkinin ang seÂventh seed sa Western ConfeÂrence at makaharap ang Spurs sa first-round playoff imbes na Oklahoma City.
Dinomina ng Rockets ang halos kabuuan ng laro bago kumamada ang LaÂkers sa fourth quarter.
Isang buzzer-beating three-point shot ni Chandler Parsons ng Rockets ang pumasok na nagdala sa laro sa overtime.
Sa extension period, kuminang ang depensa ng Lakers kung saan naman nagtuwang sa opensa sina Dwight Howard, Pau Gasol at Jodie Meeks.
“It hasn’t been easy, it’s been a crazy year,†sabi ni Lakers guard Steve Blake.
Bubuksan ng Lakers (45-37) ang playoffs kontra sa Spurs (58-24), habang makakatagpo naman ng Rockets (45-37) ang Thunder (60-22).
“Obviously I’m really proud the way for a month (the Lakers) had to play in elimination games eveÂry night,†sabi ni coach Mike D’Antoni sa Lakers na ipinanalo ang huli nilang limang laro, kasama na ang huli kahit wala si injured star Kobe Bryant.
“The great thing about it is everybody contributed, and somebody did something that we got the win,†ani Meeks na tumipa ng dalawang free throws sa huling 16.7 segundo para ibigay sa Lakers ang isang 3-point lead sa regulation.
Umiskor naman si BlaÂke ng 24 points, habang nagposte si Gasol ng isang triple-double: 17 points, 20 rebounds at 11 assists.
Humakot si Howard ng 16 points at 18 rebounds at nagdagdag si Antawn Jamison ng 16 points mula sa Los Angeles bench.
- Latest