^

PSN Palaro

Pagbabalik ni Pacquiao sa ring iniurong sa Oct.

AC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang inaabangang pagbabalik ni Manny Pacquiao ay inilipat sa Oktubre imbes sa naunang planong Set­yembre.

At ayon kay Bob Arum ng Top Rank Promotions, posible itong gawin sa Macau, China.

“Things could be finalized by the end of the week. But we’re now looking at October,” wika ni Arum sa pagtatakda niya ng unang laban ni Pacquiao ngayong taon matapos ang dalawang sunod na kabiguan  noong 2012.

 Walang binanggit na pangalan ang Top Rank chief para sa sasagupain ni Pacquiao, ngunit lumulutang ang pangalan ni Mike Alvarado ng Colorado.

Sa isang report, sinabi ng manager ni Alvarado na si Henry Delgado na halos plantsado na ang laban ng kanyang boksingero kay Pacquiao.

 Gusto ni Pacquiao ng rematch kay Juan Manuel Marquez matapos makalasap ng isang  sixth-round knock­out sa Mexican sa kanilang pang-apat na paghaharap noong Disyembre sa Las Vegas.

 Subalit sinabi naman ng Mexican superstar,  magi­ging 40-anyos sa Agosto, na wala nang dahilan para muli niyang labanan si Pacquiao.

Ngunit payag siyang gawin ito kung bibigyan siya ng premyong $20 million.

Tina-target ni Marquez, nabigyan ng guaranteed $6 million sa kanyang panalo kay Pacquiao, sina Timothy Bradley at Brandon Rios para sa kanyang laban sa Setyembre 14 sa Las Vegas o Mexico.

 Tinanong si Arum kung bahagi pa rin ng negosasyon para sa susunod na laban ni Pacquiao sina Marquez at Bradley.

 â€œThings are being finalized,” sagot ng promoter.

BOB ARUM

BRANDON RIOS

HENRY DELGADO

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

MIKE ALVARADO

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with