4th ABL San Miguel Beer didiretso sa 10th
MANILA, Philippines - Lalapit pa ang San MiÂguel Beermen sa puntirya na maging number one sa eliminasyon ng ASEAN Basketball League (ABL) sa pagsipat sa ikasampung sunod na panalo laban sa Westports Malaysia DraÂgons ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Ang laro ay itinakda sa ganap na alas-5 ng haÂpon at ikalawang panalo sa kanilang head-to-head ang pinaglalabanan din ng Beermen at Dragons.
Lumawig sa siyam ang sunud-sunod na panalo ng tropa ni coach Leo Austria nang kanilang gutay-gutayin ang Saigon Heat, 101-49, noong Miyerkules ng gabi sa Tan Bihn Stadium sa Vietnam.
Ang 52-puntos na winning margin ang pinakamatindi sa liga at binura ng Beermen ang 102-61 tagumpay na naiposte ng Singapore Slingers sa daÂting kasali pang Brunei Barracudas dalawang taon na ang nakalipas.
Si Asi Taulava ay mayroong 18 puntos para sa Beermen na kinakitaan ng pag-iskor ng lahat ng 12 manlalaro na ginamit sa laban.
May 12 puntos, 6 assists at 4 steals si Chris Banchero habang sina Val Acuna, Justin at Brian Williams ay naghatid ng tig-11 puntos.
Si Justin ay humablot pa ng 11 rebounds at may 4 blocks habang 10 boards ang kinolekta ni Brian para tulungan ang Beermen sa 50-28 bentahe sa boards.
Bumaba ang Heat sa 3-12 karta at napadali ang kanilang pagkatalo nang nagdesisyon si coach Jason Rabedeaux na pagpahingahin na ang import na si Dior Lowhorn matapos lamang ang 11 minutong paglalaro.
Si Lowhorn ay tumapos bitbit ang 7 puntos at 3 boards lamang at siya lamang ang sinandalan ng Heat dahil si David Palmer ay suspindido sa larong iyon.
Asahan naman na mas mahirap ang tagisan laban sa Dragons na papasok sa bakbakan mula sa 80-79 panalo sa nagdedepensang Indonesia Warriors.
May 9-7 baraha ang Dragons papasok sa kaÂnilang huling anim na laro.
- Latest