^

PSN Palaro

Tigresses diniskaril ang Lady Stags; Lady Bulldogs may tiket na sa quarters

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagising ang National University matapos sorpresahin ng bisitang University of San Carlos-Cebu sa unang set upang angkinin ang 23-25, 25-17, 25-10, 25-10 panalo sa Shakey’s V-League Season 10 First Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Sa pamumuno nina Din­din Santiago at Myla Pablo, dinomina ng Lady Bulldogs ang CESAFI champion sa lahat ng aspeto ng laro para kunin ang ikatlong sunod na panalo at umabante na rin sa quarterfinals sa Group B sa ligang inorganisa ng Sports Vision at handog ng Shakey’s.

May 17 puntos si Santiago na kinatampukan ng 12 kills, 3 service aces at 2 blocks habang si Pablo ay mayroong 13 kills.

Ibinuhos ni Methosheena Bate ang lahat ng kanyang 15 puntos sa pag-atake pero kulang siya ng suporta para bumaba pa ang USC sa ikatlong sunod na pagkatalo.

Tinabunan ang panalong ito ng 19-25, 25-14, 25-22, 25-22 tagumpay ng UST sa San Sebastian sa unang laro sa ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

Binalewala ng Tigres­ses ang matikas na 38 puntos ni Jeng Bualee ng Lady Stags sa ipinakitang mas magandang teamwork para isulong ang karta sa 2-1 sa Group A.

“Sinabi ko lamang sa kanila na ang susi para manalo kami ay matibay na floor defense at magandang serve at ito nga ang naipakita nila,” wika ni UST coach Odjie Mamon na hanap ang ikapitong titulo ng paaralan sa liga.

Ang ikalawang sunod na panalo ng Tigresses ang nagbigay ng tiket para samahan ang Ateneo (3-0) sa quarterfinals.

Naisuko ng UST sa San Sebastian ang attack points, 58-52, dahil na rin kay Bualee na may 35 kills.

Ngunit bumawi ang Tigresses sa blocks, 14-2, at sina Maika Ortiz at Jessey De Leon ay gumawa ng tig-apat na blocks.

Bumaba naman ang Lady Stags sa 0-2 karta at kailangang maipanalo ang nalalabing dalawang laro para umabante sa quarterfinals na kung saan ang Ateneo ay nakasilo na ng puwesto sa 3-0 karta.

 

vuukle comment

ATENEO

FIRST CONFERENCE

GROUP A

GROUP B

JENG BUALEE

JESSEY DE LEON

LADY BULLDOGS

LADY STAGS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with