^

PSN Palaro

Azkals umangat uli sa FIFA rankings

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napantayan ng Azkals ang pinakamataas na ran­king ng Pilipinas sa football nang okupahan ng kopo­nan ang 143rd puwesto base sa bagong FIFA ran­kings na ipinalabas noong Abril 11.

Ang mga panalong na­itala sa Cambodia, 8-0, at Turkmenistan, 1-0, sa idinaos na 2014 AFC Challenge Cup Group E Qualifiers sa Rizal Memorial Football Pitch noong Marso ang nagresulta para uma­ngat ng dalawang puwesto ang Pilipinas tungo sa 143 puwesto.

Noong nakaraang bu­­wan ay nasa 145 ang Pilipinas at ang 143 ran­king ang pinakamataas na naabot ng Pilipinas sapul nang magkaroon ng FIFA rankings.

Naunang naabot ng Azkals ang nasabing puwesto noong Nobyembre, 2012.

Umangat man, ang Pi­lipinas ay nanatiling na­sa ikatlong puwesto sa mga bansa mula South East Asia kasunod ng na­­ngungu­nang Vietnam (132) at Thailand (140).

Kung may dapat ikatuwa, ang Vietnam at Thailand ay parehong bumaba ng puwestoo dahil ang una ay nalagay sa129 habang ang huli ay nasa 135 noong nakaraang buwan.

Ang tinalo ng Pilipinas na Turkmen na pumanga­lawa sa 2012 AFC Challenge Cup sa Nepal ay nakapuwesto sa 131st.

Inaasahang magsisikap pa ang Azkals na ma­kagawa ng bagong record sa rankings sa pagharap sa Hong Kong  sa Hunyo 4 sa isang Friendly Match.

Ang larong ito ay magiging bahagi na ng paghahanda ng koponan para sa 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives.

Hanap ng Pilipinas sa Maldives ang mahigitan ang naabot na semifinals sa Nepal at nabigong umabante ang Azkals nang natalo sa Turkmen, 2-1.

Inaasahang malakas na manlalaro ang bubuo sa Azkals lalo kung mapapahintulutan ang kahilingan ng Philippine Football Fe­deration  sa AFC na ga­win ang torneo sa FIFA International Match Days upang makasama ang mga mahuhusay na Fil-Foreigners sa koponan.

vuukle comment

AZKALS

CHALLENGE CUP

CHALLENGE CUP GROUP E QUALIFIERS

FRIENDLY MATCH

HONG KONG

INAASAHANG

INTERNATIONAL MATCH DAYS

PILIPINAS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with