Donaire sasailalim sa operasyon
MANILA, Philippines - Magbabakasyon si dating world champion Nonito Donaire, Jr. at hihintayin ang pagsilang ng kanyang anak na lalaki na papangalanang Jarel sa Hulyo 21.
Habang nasa boxing leave, inaasahan siyang sasailalim sa surgery para ayusin ang napunit na litid sa kanyang kanang balikat na kanyang ininda sa huli niyang tatlong laban, kabilang na ang pagkatalo kay Guillermo Rigondeaux sa New York City.
Umalis si Donaire kasama ang kanyang asawang si Rachel at biyenan na si Becky Marcial noong umaga at dumating sa Las Vegas noong Linggo ng hapon kung saan sila naninirahan ngayon.
Wala nang dahilan para dalhin pa si Donaire sa hospital makaraan ang kanyang unanimous decision kay Rigondeaux.
Nagkaroon siya ng mga putok sa mukha at nangingitim na kanang mata na mula sa left straight ng Cuban sa kaagahan ng 12th round.
Sinabi ng isang source na si Donaire ang magdedesisyon kung kailan siya magpapaopera.
Ikinukunsidera rin ni Donaire ang isang short trip sa Manila bago o matapos ang surgery.
“The doctors whom Nonito is close to are in the Bay Area but he’ll probably do therapy in Las Vegas,†wika ng source. “A possibility is to do the operation in Las Vegas so the surgeon is able to closely monitor the rehab.â€
Hindi dumalaw si Rachel sa training camp ni Donaire sa Undisputed Gym sa San Carlos City, San Francisco.
“Because of her pregnancy, Rachel was advised to stay at home in Las Vegas as much as possible so Nonito would fly over to visit every weekend during camp for about two months,†wika pa ng source.
- Latest