Iranian rider sa stage 3 titulo delikado na kay Ravina
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines --Kung hindi ibibigay ni Jonipher ‘Baler’ Ravina ng 7-Eleven Roadbike Philippines ang lahat ng kanyang makakaya ay tuluyan nang maaagaw sa kanya ni Stage One winner Lee Ki Suk ng CCN Cycling Team ang korona.
Mula sa Stage One hanggang sa Stage Three ay hindi nakapasok ang tubong Asingan, PangaÂsinan na si Baler sa Top 10 sa individual classification kung saan si Mehdi Sohrabi ng Tabriz Petrochemical Team ng Iran ang naghari sa Stage Three na may disÂtanÂsyang 104 kilometro muÂla sa Cauayan, Isabela kahapon.
“Ang lamang natin, kaÂbisado natin ‘yung ruta dito,†sabi ng 31-anyos na si Ravina, nagposte ng oras na 12:15:58 para sa No. 19 place matapos ang tatlong yugto ng four-day event na itinataguyod ng International Cycling Union (UCI) Asia Tour race na itinataguyod ng Standard Insurance, Jinbei, Victory Liner, San Mig Coffee, Magnolia Purewater, Red Media, Foton, Maynilad, Kia, Sign Media, Integrated Waste Management Inc., Eurotel, American Vinyl, LBC at 7-Eleven.
“Kaya naman natin, kaÂya pipilitin kong mapanatili ‘yung title ko,†dagdag pa nito.
Natalo man sa Stage Two at Stage Three, taÂngan pa rin ni Lee ang yellow jersey sa individual general classification mula sa kanyang oras na 12:08:21
Bibitawan ngayong umaga ang Stage Four na may distansyang 132.7 kms patungong Baguio City para sa pagtatapos ng karera na magdedetermina sa hihiranging individual at team champion.
Sa kanyang pag-angkin sa Stage Three, naglista ang 31-anyos na si Sohrabi ng tiyempong 2:24:01 kagaya ng oras ni Rustom Lim ng continental squad na LBC-MVPSF Cycling Filipinas.
“Sa last 25 kilometers sa Balagbag humiwalay na kami at hanggang sa last 10 kilometers siya ang nagdala sa akin,†sabi ni Lim kay Sohrabi. “Sa last 5 kilometers kinausap niya ako na don’t sprint na daw.â€
Sinabi ni Lim, ang bronÂze medalist sa juniors’ division ng 2011 Asian Cycling Championships, na pinahalagahan lamang niya ang pag-akay sa kanya ng 2011 Best Asian Rider na si Sohrabi.
Kasama nina Sohrabi at Lim sa Top 10 na may magkakatulad na 2:25:07 na tiyempo ay sina Ronnel Hualda ng 7-Eleven Roadbike, Nur Amirull Fakhruddi Mazuki ng Terranganu, Stage One winner Lee Ki Suk ng CCN, Mohd Saiful Anuar Aziz ng Terranganu, Edmundo Nicolas, Jr. ng American Vinyl, Hong Ki-Kim at Jun-Bin Kim ng Korail Cycling Team at Douglas Repacholi ng City of Perth Cycling Team.
Ang Tabriz naman ang kumuha sa stage team classification mula sa kaÂnilang bilis na 7:14:15.
- Latest