Clippers hawak ang homecourt advantage sa playoffs
MEMPHIS, Tennessee--Nagsalpak si Chris Paul ng isang free throw sa huling 18.3 segundo at tinakasan ng Los Angeles Clippers ang Memphis Grizzlies, 91-87, sa isang preview para sa kanilang posibleng paghaharap sa first-round playoff series.
Dahil sa panalo ng Clippers, inangkin nila ang kaÂnilang season series sa 3-1 para sa krusyal na tiebreaker na magbibigay sa kanila ng home-court advantage sa postseason kahit na magkatabla sila ng Grizzlies sa 54-26.
Nasa ibabaw nila ang Denver para sa unahan sa No. 3 seed sa Western Conference.
Pinamunuan ni DeAndre Jordan ang Clippers mula sa kanyang 16 points, habang tumapos si Paul na may 13 .
Sa iba pang resulta, tinalo ng Charlotte ang MilÂwaukee, 95-85, samantalang binigo ng Minnesota ang Phoenix, 105-93.
Sa El Segundo, California--Sumailalim si Kobe Bryant sa isang surgery para sa kanyang napunit na Achilles tendon na siyang tumapos sa kanyang season sa huling dalawang laro ng Los Angeles Lakers na naghahangad na makapasok sa NBA Playoffs.
Sinabi ni Lakers trainer Gary Vitti na kailangan ni Bryant ng anim hanggang siyam na buwan para makaÂbawi sa injury sa kanyang 17-year NBA career.
- Latest