Matinding init makakaapekto sa kampanya ng mga foreign riders
Handang-handa nang sumabak ang Hongkong-based Team Direct Asia kasama ang tatlo pang foreign squads para sa ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas na magsisimula bukas sa Bangui, Ilocos Norte.
Noong Lunes pa dumating sa bansa ang mga miÂyembro ng Team Direct Asia, habang sumunod noong Miyerkules ang continental team na Polygon Sweet Nice (Malaysia) at ang mga club teams na Perth Cycling (Australia) at Korail Cycling Team (Korea) at ngayon ay nag-eensayo sa Pagudpod sa Ilocos Norte para sa Le Tour na inihahandog ng Air21 katuwang ang San Miguel Corp. at Smart.
Dumating na kamakalawa ang mga continental teams na OSBC Singapore (Singapore), Terrenganu Cycling (Malaysia), CCN Cycling Team (Taiwan) at Tabriz Petrochemical (Iran) kasabay ang Atilla Cycling Club (Mongolia).
Bunga naman ng injury ng ilan sa kanilang mga panguÂnahing riders, nagdesisyon ang Ayandeh Continental, nakabase sa Uzbekistan, na hindi sumali sa nasabing International Cycling Union (UCI) Asia Tour race na itinataguyod ng Standard Insurance, Jinbei, Victory Liner, San Mig Coffee, Magnolia Purewater, Red Media, Foton, Maynilad, Kia, Sign Media, Integrated Waste Management Inc., Eurotel, American Vinyl, LBC at 7-Eleven.
Inaasahan naman ni race manager Paquito Rivas, isang dating Tour champion at Eagle of the Mountain, na malaki ang magiging epekto ng init na 39 degrees Centigrade sa mga foreign riders.
At ang mga malalakas na sprinters at climbers ang magkakaroon ng bentahe, ayon kay Rivas, ang kasaluÂkuyang direktor ng PhilCycling.
- Latest