^

PSN Palaro

Triathlon, darts at fun run tampok sa Guimaras Festival

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang magiging masaya at kapana-pana­bik ang 20th Guimaras Manggahan Festival na nagsimula na kahapon at tatagal ng Abril  21 mula sa pagta­tampok ng 2nd Mango Man Triathlon, 3rd Manggahan Fun  Run at 1st national darts tournament.

Gagamitin sa triathlon, pakakawalan sa Abril 14 sa Raymen Beach sa Alubihod, Nueva Valencia town, ang Olympic standard na 3k swim, 40k bike at 10k run ng solo at relay categories.

Maipapakita ang magagandang desti­nasyon sa probinsya sa ruta ng swim, bike at run legs sa ha­ngaring mapalakas pa ang turismo sa lugar.

Ang fun run ay gaganapin sa Abril 14 sa Provincial Capitol grounds, habang ang national darts competition ay nakatakda sa Abril 19 sa GTIC Hall.

Sina Gov. Felipe Hilan Nava, M.D. ang magpapaputok ng baril bilang hudyat sa pagsisimula ng fun run, samantalang si Pyt Trimanez, race director, ang magpapa­simula ng triathlon.

Ang triathlon at fun run events ay pinangangasiwaan ni Teresita G. Siason, habang ang overall chairman ng 2013 Manggahan Festival ay si  Atty. Elijo Sharon H. Bellones.

Para sa detalye, tumawag sa 0927-9628645.

vuukle comment

ABRIL

ELIJO SHARON H

FELIPE HILAN NAVA

GUIMARAS MANGGAHAN FESTIVAL

MANGGAHAN FESTIVAL

MANGGAHAN FUN

MANGO MAN TRIATHLON

NUEVA VALENCIA

PROVINCIAL CAPITOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with