Jazz laglag sa Nuggets
SALT LAKE CITY -- Matapos magtala ng isang five-game winning streak, ang apat dito ay kontra sa mga non-playoff teams, nalagay sa balag ng alanganin ang Utah Jazz.
Tinalo ng Denver Nuggets ang Jazz, 113-96, tampok ang 21 points ni Danilo Gallinari noong Miyerkules ng gaÂbi.
Ang kabiguan ang naglaglag sa Utah (39-37) sa likod ng Los Angeles Lakers para sa pang-walo at huling tiket sa Western Conference Playoffs.
“I hope you guys weren’t expecting us to win 11 in a row,†sabi ni Jazz point guard Mo Williams, may maÂlamyang 2-of-12 fieldgoal shooting para sa kanyang 4 points matapos magtala ng average na 22.7 points sa naÂkaraang tatlong laro. “Give them credit. That’s a good basÂketball team. They cause a lot of matchup problems.â€
Nanalo ang Nuggets ng 17 despite sa kabila ng hindi paglalaro ni leading scorer Ty Lawson na may foot injury.
Nagdagdag si Kenneth Faried ng 19 points, 8 rebounds at 2 blocks para sa Denver (51-24).
Makakaharap naman ng Lakers ang Memphis GrizÂzlies kasunod ang LA Clippers na mga koponang maÂkakalaban ng Nuggets para sa No. 3 seed.
Sa Boston, tumipa si Jeff Green ng 34 points, kasama dito ang isang 3-pointer sa huling 45 segundo, para igiya ang Boston Celtics sa 98-93 panalo kontra sa Detroit PisÂtons.
Sinikwat ng Celtics ang kanilang ikaanim na sunod na playoff berth.
Nagdagdag sina Paul Pierce at Brandon Bass ng tig-17 points para sa Celtics.
Ito ang pang-anim na sunod na pagkakataon na naÂkapasok ang Boston sa playoffs matapos mabuo ang tatluhan nina Pierce, Kevin Garnett at Ray Allen noÂong 2007.
Nasa No. 7 ang Boston sa Eastern Conference.
- Latest