Shakers itataya ang liderato vs Rising Suns
Laro Ngayon
(JCSGO Gym)
12 nn Boracay Rum vs NLEX
2 p.m. Cagayan Valley vs Fruitas
4 p.m. Café France vs EA Regen Med
MANILA, Philippines -Palalakasin pa ng Fruitas ang kapit sa unang puÂwesto sa pagsukat sa Cagayan Valley sa pagpapatuloy ng PBA D-League Foundation Cup ngayon sa JCSGO Gym sa Quezon City.
Galing sa 13-araw na pamamahinga ang tropa ni coach Nash Racela at tiwala siyang nakabuti ang mahabang bakasyon para maihanda ang katawan ng manlalaro sa balikatang laro na magsisimula sa gaÂnap na alas-2 ng hapon.
“Inaasahan kong maÂÂhirap na laro ito dahil ang Cagayan Valley ang pumangalawa sa nakaraang conference at sila ay mayroong dalawang sunod na panalo. Ang pahinga ay nakatulong para mabawi ang nawalang lakas matapos ang mahihirap na laro na aming hinarap,†wika ni Racela.
Matapos buksan ang kampanya sa madaling 81-56 panalo sa Jumbo Plastic, napalaban ang Shakers sa sunod na laro bago naitakas ang mga panalo sa Cebuana Lhuillier, 75-72, at Blackwater Sports, 95-91.
May dalawang dikit na tagumpay din ang Rising Suns na naiposte sa Informatics, 98-56, at Jumbo Plastic, 83-74, para makabangon na mula sa 85-89 pagyukod sa Elite sa unang laro.
Tatangkain muna ng NLEX ang ikalawang sunod na panalo sa pagharap sa Boracay Rum sa ganap na ika-12 ng tanghali habang ang huling laro ay sa pagitan ng Cafe France at EA Regen Med dakong alas-4.
Ikaapat na panalo sa limang laro ang nakataya sa Bakers habang bumangon mula sa 75-85 pagyukod ang nais gawin ng Delta. (AT)
- Latest























