^

PSN Palaro

10-teams nagpalakas ng line-up

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaigting ang line-up ng 10 koponan para matiyak na kapana-panabik ang bawat aksyon na mapapanood sa 10th Season ng Shakey’s V-League  First Conference na magbubukas sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Ang San Sebastian at nagbabalik na Letran ay kumuha ng Thai imports habang ang iba ay nagpalakas sa pagpili sa mga dating manlalaro o National players para tulungan ang kampanya na madomina ang ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza.

Ang mahusay na si Jeng Bualee ay nagbaba­lik para sa Lady Stags at makikipagtulungan kay two-time MVP Suzanne Roces para pakinangin ang laban ng koponang may ipinagmamalaki ring Mae Crisostomo at Gretchel Soltones.

Ang Lady Knights ay iba­bandera naman ni Patcharee Sangmuang na minsang ikinonsidera bilang pinakamahusay na volleyball player sa Southeast Asia.

Hindi naman magpapadaig ang ibang kasa­ling koponan tulad ng two-time defending champion Ateneo na pinili si Rachel Da­quis at Aeriel  Patno­ngon upang isama sa ma­­lakas na manlalaro na sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Dzi Gervacio, Jem Ferrer at Gretchen Ho.

Ang six-time champion UST ay magbabalak na bumangon matapos matalo sa Lady Eagles sa Finals noong nakaraang season sa pagpapalaro sa mga dating players na sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo. Balik Lady Tigresses sina Maru Banaticla, Judy Ann Caballejo, Maika Ortiz at Ma. Carmela Tunay.

Ang Arellano ay pamumunuan ng mga mahuhusay na sina Mary Jean Balse at Nerissa Bautista na mga MVPs ng ligang may ayuda rin ng Accel at Mikasa.

“With the league’s former certified stars joining the current cream of the crop, this conference is going to be a real battle,” wika ni Sports Vision chairman Moying Martelino.

Ang NCAA titlist na Per­petual Help ay pinili sina Joy Ca­ses at Mei Agarin habang ang natatanging Visayan team na University of San Carlos-Cebu ay kinuha sina Ma. Abigail Parca at Regine Obinque.

ABIGAIL PARCA

AIZA MAIZO

ALYSSA VALDEZ

ANG ARELLANO

ANG LADY KNIGHTS

ANG SAN SEBASTIAN

BALIK LADY TIGRESSES

SHY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with