Viloria ‘di nababahala
MANILA, Philippines - Si three-time OlymÂpian Zou Shiming at hindi si WBO/WBA flyweight champion Brian Viloria ang babandera sa “Fists of Gold†sa 15,000-seat CotaiArena ng The Venetian Hotel and Casino sa Macau sa Linggo.
Ngunit hindi naman naÂbabahala si ‘Hawaiian Punch’ kung mapunta sa Chinese star ang spotlight.
Lalabanan ng 22-anyos na si Zou si Eleazar Valenzuela ng Mexico sa isang four-round main event.
Inangkin ni Zou ang bronze medal sa 2004 at ang gold medal sa 2008 at 2012 Olympic Games para ilista ang kanyang 12-1 record bilang light flyweight.
Sinikwat din niya ang dalawang gold sa AIBA World Championships noong 2005 at 2007.
Tangan naman ni Valenzuela ang 2-1-2 record, kasama rito ang 1 KO, na inaasahang makikipagsabayan kay Zou na tinalo sa amateur sina Filipino Harry Tañamor at Paddy Barnes ng Ireland.
Si Freddie Roach ang uupo sa corner ni Zou laban kay Valenzuela.
- Latest























