^

PSN Palaro

Korona ‘di isusuko ng Lady Eagles

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Palaban pa rin ang two-time defending champion Ateneo sa first conference ng 10th season ng Shakey’s V-League na magbubukas na sa Linggo sa The Arena sa San Juan City.

Wala sa pagkakataong ito ang mahusay na Thai import na si Kesinee Lithawat pero tiniyak ni Ateneo athletic director at Sports Vision president Ricky Palou na hindi basta-basta isusuko ng koponan ang hawak na titulo.

“Hindi available si Ke­sinee dahil nasa Vietnam siya. Pero andyan pa rin kami at palaban pa rin,” wika ni Palou nang dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon kasama ang chairman ng Sports Vision na si Moying Martelino at Shakey’s COO at EVP Vic Gregorio.

Mataas ang kumpiyan­sa ni Palou dahil nasa koponan pa rin sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Jem Ferrer at Dzi Gervacio na naglaro sa UAAP Finals laban sa La Salle.

Kinuha rin nila ang mahusay na open spiker at blocker na si Rachel Ann Daquis at dating manlalaro na si Aerieal Patnongon bilang guest players.

Nakikita ni Palou ang six-time champion UST,  San Sebastian at baguhang Arellano na siyang ma­ka­karibal ng Lady Eagles.

Sampung koponan ang kasali at kukumpletuhin ang mga kalahok ng NCAA champion Perpetual Help, National University, Letran, Adamson at mga provincial teams na La Salle-Dasmariñas at University of San Carlos-Cebu.

Ang UST ay ibinabalik ang dating manlalarong sina Rhea Dimaculangan at Aiza Maizo, sina Thai import Jeng Bualee at Suzanne Roces ang sa San Sebastian habang ang da­ting MVP na si Nene Bautista at Mary Jane Balse ang sa Arellano.

Natuwa naman si Gregorio dahil nasa ika-10 taon na ang liga at tiniyak niyang patuloy na susuporta ang Shakey’s sa torneo.

AERIEAL PATNONGON

AIZA MAIZO

ALYSSA VALDEZ

ARELLANO

ATENEO

PALOU

SAN SEBASTIAN

SHAKEY

SPORTS VISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with