Arellano regular member na sa NCAA
MANILA, Philippines - Kasabay ng pagiging punung-abala ng College of St. Benilde para sa 89th season ng NCAA ay tuluÂyan namang tinanggap ng liga ang Arellano University bilang regular member.
Ito ang inihayag kahapon ni Bro. Dennis Magbanua, FSC, ng St. Benilde matapos ang turnover ceremony sa St. Thomas Hall sa Letran kung saan ipinasa sa kanila ng dating NCAA host Letran College ang pamamahala sa liga simula sa Hunyo 22.
“We’re happy with the approval for permanent member status of Arellano and we congratulate them,†wika ni Magbanua, ang incoming league president, sa pagtanggap sa Arellano.
Ang Arellano ang magiging pang walong regular active member ng pinakamatandang collegiate league sa bansa matapos itong pumasok noong 1999 bilang probationary member. Limang taon ang ibiÂnuhos ng Arellano bilang probationary member ng NCAA.
Bukod sa Arellano, umaasa rin ang Emilio Aguinaldo College at ang Lyceum na tatanggapin din sila bilang regular members ng liga.
Tiniyak ng St. Benilde, ang seniors basketball team na Blazers ay gaÂgabayan ng bagong head coach na si Gabby Velasco, ang tagumpay ng kanilang pangangasiwa sa 89th season ng NCAA.
“We will make sure our stars will shine in Season 89 and until we reach 100 and even for eternity,†ani Magbanua sa Season 89 na may temang “Stars Will Shine in 89†at bubuksan sa Hunyo 22 sa SM MOA Arena sa Pasay City.
- Latest