^

PSN Palaro

Bagong WBO ASPAC Super Featherweight King Bai Elorde wagi sa Thai

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiskor si Juan Martin “Bai” Elorde ng isang unanimous decision win laban kay Maxsaisai Sithsaithong ng Thailand para angkinin ang bakanteng World Boxing Organization Asia Pacific super featherweight title kamakailan sa Sofitel Hotel grand ballroom sa Pasay City.

Pinaulanan ni Elorde ng kombinasyon si Sithsai­thong sa seventh hanggang ninth rounds upang tuluyan nang sikwatin ang nasabing titulo sa idinaos na 13th Gabriel “Flash” Elorde Boxing Awards na gumugunita sa kanyang namayapang lolo.

Ilan sa mga nakapanood ng laban ay ang asawa ni Elorde na si Laura at ang mga magulang ni Bai na sina Liza at Johnny.

Nagbigay sina judges Salven Lagumbay at Greg Ortega ng magkatulad na 98-92 at 97-93 naman ito para kay Gil Co bilang pabor kay Elorde, sa unang pagkakataon ay lumaban sa isang ten-rounder at may 14-1-0 (6 KOs) record ngayon.

Bumaba naman ang marka ni Sithsaithong sa 12-3-0 (3 KOs).

“Malakas din sumuntok yong Thai at medyo napagod din ako dahil first time ko lumaban sa 10 rounds,” sabi ni Elorde sa kanyang binigong Thai boxer.

ELORDE

ELORDE BOXING AWARDS

GIL CO

GREG ORTEGA

JUAN MARTIN

MAXSAISAI SITHSAITHONG

PASAY CITY

SALVEN LAGUMBAY

SOFITEL HOTEL

WORLD BOXING ORGANIZATION ASIA PACIFIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with