^

PSN Palaro

Dunigan, Bowles gustong hugutin ni Reyes sa Gilas 2

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos si Marcus Douthit, may dalawa pang maaaring maging natura­lized import ang Gilas Pilipinas.

Ang mga ito ay sina Michael Dunigan ng Air21 at Denzel Bowles ng San Mig Coffee.

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na hindi magi­ging madali ang proseso sa pagkuha ng Filipino citizen­ship nina Dunigan at Bowles.

“Even before d Conf began (Air21) coach Franz (Pumaren) & I already talked about Dunigan as backup naturalized player. Air21 management also agreed, but it needs and act of Congress. There’s a law to be followed, unlike other (countries) where there’s instant citizenship. Here it takes more than a yr,” ani Reyes kahapon.

Ang 6-foot-11 na si Dout­hit ang nag-iisang naturalized player ng Natio­nals.

Nauna na ring tinangka ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na hugutin si 7’1 Javale McGee ng Denver Nuggets noong nakaraang taon.

Ngunit malaking insu­rance ang hiningi ng Nuggets bago siya payagang makalaro sa Gilas Pilipinas sakaling magkaroon ito ng injury.

Ang 6’9 at 23-anyos na si Dunigan ang kasaluku­yang leading scorer ng2013 PBA Commissioner’s Cup mula sa kanyang average na 26.3 points.

CHOT REYES

DENVER NUGGETS

DENZEL BOWLES

DUNIGAN

GILAS PILIPINAS

MARCUS DOUTHIT

MICHAEL DUNIGAN

SAMAHANG BASKETBOL

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with