Suzuki tututukan sa FIM Asian Moto
MANILA, Philippines - Kung mayroong isang rider na dapat tutukan sa pagtakbo ng Philippine leg ng 2013 FIM Asia Motocross Supercross ChamÂpionship sa Puerto PrinÂcesa City, Palawan, ito’y walang iba kundi si Tomoya Suzuki ng Japan.
Hanap ni Suzuki na mabawi ang titulo sa Asian125cc/MX2 na dating hinaÂwakan noong 2010 laban sa nagdedepensang kampeon na si Arnon “Turbo†Theplib ng Thailand.
Magkasunod na taon na dinomina ni Theplib ang dibisyon at tiyak na piÂnaghandaan niya ang kompetisyong gagawin mula Marso 21 hanggang 24.
Ito ang ikasampung suÂnod na taon na sa Puerto Princesa City gagawin ang kompetisyon at nangyari uli ito dahil sa buong suporta ni Mayor Edward Hagedorn at ng kanyang nasasakupan.
Ang suporta ng maÂnoÂnood ang tiyak na sasanÂdalan ni Kenneth San Andres na siyang National MoÂtocross Rider of the Year.
Hihigpit pa ang kompeÂtisyon sa pagsali rin ng mga lahok mula Guam, Australia, Sri Lanka, Mongolia, Hong Kong at New Zealand.
Mainit din ang bakbaÂkan sa Asian Junior cÂategory sa pagitan nina Tony Siddayao awardee Market Reggie Flores, 2012 Natoinal junior champion sa 85cc Gabriel Macaso at Jacques Gunawardena ng Sri Lanka.
Patok naman sa Asian Veterans si Stanley YaÂsuhiro ng Guam na kunin ang ikalawang sunod na titulo. Handa naman sina local riders Mike Zolin, Gimo Gonzales at Junjun San Andres na pigilan siya sa kanyang balak.
Ang Extremeworx ang siyang promoter ng karera na inorganisa ng NAMSSA at suportado ng Repsol, HJC Helmets, Shakey’s Du Ek Sam Inc., Puerto PrinÂcesa, Honda Prestige Puerto Princesa, Asia BreÂwery Inc, Ottoman Shoes, DOT, POC at PSC.
- Latest