^

PSN Palaro

Pba D-League Foundation Cup: Bakers yumuko sa Elite

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Lunes

(San Juan Arena)

12 n.n. Fruitas vs Cebuana Lhuillier

2 p.m. Hog’s Breath Café vs Big Chill

4 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley

MANILA, Philippines - Binalikat ni Bobby Celiz ang Blackwater Sports para maisantabi ang ma­tinding laban na ipinakita ng Café France tungo sa 86-81 panalo sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Nagbagsak ng 10 sa kan­yang 12 puntos sa hu­ling yugto si Celiz at pinagningas ang mahala­gang 7-0 run na nagbi­gay ng 78-68 kalamangan sa Elite na nagtiyak ng unang panalo sa 12-koponang liga.

Nanguna sa Blackwater si Kevin Ferrer sa kanyang 21 puntos, mula sa 7-of-12 shooting, habang si Allan Mangahas ay may 14 puntos at 6 assists.

Sina Mon Alvin Abundo at Raymund Maconocido  ay naghatid ng 22 at 21 puntos para sa Bakers.

Samantala, bumalikwas ang Jumbo Plastic at Boracay Rhum mula sa pagkatalo sa unang asignatura nang kalusin ang mga hinarap na koponan.

Namuno uli para sa Giants si Aljon Mariano sa kanyang 17 puntos at 11 boards pero nakuha niya ang suporta nina Elliot Tan at Marvin Hayes na naghatid ng 13 at 11 puntos upang ilampaso ang baguhan ding Hogs Breath Café, 81-55.

Ginamit naman ng Wa­ves ang 8-0 bomba ma­tapos ang huling tabla sa 83-all, upang kunin ang 93-85 panalo sa overtime laban sa Informatics sa ikatlong laro.

vuukle comment

ALJON MARIANO

ALLAN MANGAHAS

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BOBBY CELIZ

BORACAY RHUM

BREATH CAF

CAGAYAN VALLEY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with