4 Pinoy boxer pasok sa semis; Bacho laglag, para sa bayan!
MANILA, Philippines - Para sa bayan.
Ito ang nasa isipan ng apat na pambato ng Pilipinas na haharap sa matitinding dayuhang katunggali sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships semifinals ngayon sa Subic Gym.
Nakahabol sa awtomatikong bronze medals sina flyweight Ian Clark BautisÂta at lightweight James Palicte nang talunin sina Sagidyk Moldashev ng KazakhsÂtan, 15-7, at NagaÂshe A Kharare ng India, 10-7, upang samahan ang mga naunang umabante sa semifinals na sina light flyweight Jade Bornea at light welterweight Eumir Felix Marcial.
Ang minalas ay ang 5’9 na si Jonas Bacho na ininda ang pamamaga ng kanang palad upang hindi makasuntok ng maayos para tanggapin ang 8-9 dikit na pagkatalo kay Nursuitan Nisanbaev ng Uzbekistan.
“Four out of five in the semis is a welcome deveÂlopment. The boys are determined and they are enjoying the hometown advantage at sana magtuluy-tuloy ito,†wika ni ABAP exeÂcutive director Ed Picson.
Ang mga batang boksiÂngero na nadiskubre ng ABAP sa pinatatakbong national championships ay nagpahayag ng paniÂniwalang kaya nilang pataubin ang mga makakalaban sa palarong inorganisa ng ABAP-PLDT at may suporta ng MVP Sports Foundation at Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
“Pare-pareho naman kaming naghanda. Ang maganda lang ay dito sa atin gagawin ang laban,†wika ni Bautista na katunggali si Masaya Kobayashi ng Japan sa ikalawang laÂban sa panggabing labaÂnan na magsisimula sa ganap na alas-7 ng gabi.
Unang magtatangka ng puwesto sa Finals ay si World Youth bronze medaÂlist na si Bornea laban kay World Junior at Youth veteÂran Shatlykmyrat Muradov ng Turkmenistan sa ganap na alas-2 ng hapon.
Ang 2011 World Junior champion na si Marcial ay mapapalaban kay Anvar Turamov ng Uzbekistan na ikalimang laro sa pang-hapon na tagisan.
Katunggali ni Palicte si Norobal Otgontumuk ng Mongolia para sa puwesto sa Finals.
Mangunguna sa pagbibigay ng suporta sa mga pambato ng Pilipinas si ABAP president Ricky Vargas na darating ngayon.
Lumalabas na ang Uzbekistan ang palaban sa paramihan ng gintong mapapanalunan matapos magpasok ng pitong boksingero sa semifinals habang ang Kazakhstan ay may lima at tig-apat ang Pilipinas, Japan, China at India na naglalaro sa ilalim ng bandila ng AIBA dahil ang bansa ay suspindido.
Ang kompetisyon ay magtatapos bukas.
- Latest