^

PSN Palaro

Elite, Bakers mag-uunahan sa panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 n.n. Café France vs Blackwater Sports

2 p.m. Jumbo Plastic vs Hogs Breath

4 p.m. Boracay Rum  vs Informatics

MANILA, Philippines - Ipapakita ni Allan Ma­ngahas na kaya niyang punuan ang puwestong iniwan ni Jeric Fortuna sa pagharap ng Blackwater Sports sa Café France sa pagpapatuloy ngayon ng PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Si Fortuna ang pointguard ng koponan sa naka­lipas na conference at natulungan niya ang Elite na makapasok sa Final Four.

Pero dinala ni Fortuna ang kanyang talento  sa ASEAN Basketball League (ABL) upang ipagkatiwala kay Mangahas ang nasabing puwesto.

Hindi naman bago ito para sa 5’7 guard na nag­laro na rin sa ABL, dahil pointguard siya noong nag-lalaro sa NCAA sa Mapua team.

Sa ganap na alas-12 ng tanghali itinakda ang tagisan at ang mananalo ay makakasalo sa lideratong hawak ng Big Chill, Cebuana Lhuillier at Fruitas Shakers.

Triple-header uli ang labanan at ang ikalawang laro dakong alas-2 ng hapon ay sa pagitan ng Hogs Breath at Jumbo Plastics at Boracay Rum kontra Informatics sa huling tagisan dakong alas-6:00.

Hanap ng Jumbo Plastic at Boracay Rum na ma­kabawi matapos matalo sa unang laro, bagay na hindi pahihintulutan ng kalaban na gusto ang magarang panimula sa liga.

vuukle comment

ALLAN MA

BASKETBALL LEAGUE

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

HOGS BREATH

JUMBO PLASTIC

PASIG CITY

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with