Bornea nakabawi na sa Uzbek boxer
MANILA, Philippines - Naipaghiganti na ni Jade Bornea ang pagkatalong nalasap kay Uzbekistan’s Murudjon Akhmadaliev nang kanyang angkinin ang Referee-Stopped-Contest (RSC) panalo sa ikatlong round at umabante sa quarterfinals sa idinadaos na 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships kahapon sa Subic Gym, Zambales.
Ang dalawang boksingero ay nagkita sa semifinals sa 2012 World Youth Championships sa Armenia at naisantabi ni Akhmadaliev ang isang puntos paghahabol matapos ang unang round tungo sa 25-14 panalo.
Pero ilang buwan matapos ang pangyayari, ibang Bornea ang nakaharap ng dayuhang boksingero dahil naipakita niya ang kanyang lakas at pagiging agresibo para kunin ang panalo matapos ang apat na standing eight count ni Akhmadaliev.
“Sinabi niya sa akin na talagang gusto niyang bawian ang kalaban. Makikita mo sa laban niya na gusto niyang ipakita sa lahat na siya ang talagang mananalo,†wika ni coach Elmer Pamisa na katuwang si Romeo Brin ang dumidiskarte sa limang pambato ng bansa sa kompetisÂyong inorganisa ng ABAP-PLDT at suportado ng MVP Sports Foundation at Subic Bay Metropolitan Authority.
Sunod na kalaban ng tubong General Santos City si Rakhmankul Avatov ng Kyrgyzstan na umani ng 11-7 panalo kay MD. Ariful Islam ng Bangladesh.
“Itong Uzbek ang pinakamabigat na kalaban ni Jade sa light flyweight. Kaya tingin ko ay kaya na niyang lusutan ang ibang kalaban,†ani pa ni Pamisa.
Ang ibang pambato ng bansa na sina flyweight Ian Clark Bautista, bantamweight Jonas Bacho at lightweight James Palicte ang sumalang din sa laban kagabi at inaasahang malulusutan ang mga katunggali para umusad sa quarterfinals.
- Latest