^

PSN Palaro

PCKF magpapa-tryout para sa bagong event

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Plano ng Philippine Ca­noe-Kayak Federation (PCKF) na ipakilala ang bagong dragonboat event na five-man crew para ma­determina kung may tsansa ang mga Pinoy paddlers sa gintong medalya sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

Isinama ng Myanmar ang hindi kilalang five-man crew event sa traditional boat racing na magha­hanay ng tatlong gold me­dals sa 2013 SEA Games na nakatakda sa Disyembre 11-22.

Sinabi ni coach Len Escollante na iniisip nilang magdaos ng tryout para sa mga Pinoy paddlers na isasabak sa SEAG.

Hihilingin ni Escollante sa Philippine Sports Commission na bumili ng isa o dalawang bagong bangka mula sa Thailand para sa five-member crew na nagkakahalaga ng P180,000 ba­wat isa.

Ipapanukala nilang mag­laro sa darating na POC-PNG National Games bilang paghahanda sa Myanmar SEA Games.

DISYEMBRE

ESCOLLANTE

KAYAK FEDERATION

LEN ESCOLLANTE

MYANMAR

NATIONAL GAMES

PHILIPPINE CA

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

PINOY

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with