^

PSN Palaro

Big Chill nakaisa rin sa NLEX

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Huwebes

(Ynares Sports Arena, Pasig City)

12 n.n. Café France

vs Blackwater Sports

2 p.m. Jumbo Plastic

vs Hogs Breath

4 p.m. Boracay Rum

vs Informatics

 

MANILA, Philippines - Winakasan  ng Big Chill ang apat sunod na pagkatalo sa NLEX sa pamamagitan ng 86-77 overtime panalo sa pagbubukas ng PBA D-League Foundation Cup kahapon sa San Juan Arena.

Ang nakumpletong four-point play ni Arvie Bri­ngas ang nagpasiklab sa 10-0 bomba sa huling 27.7 segundo sa extention para magkaroon ng sigla ang laban ng Superchargers.

Humugot ang tropa ni Big Chill mentor Robert Sison ng 19 puntos kay Bringas.

Naglaro ang Road Warriors ng wala ang mga higanteng sina Ian Sangalang at Greg Slaughter para makalasap ng pagka­talo sa unang laro sa unang pagkakataon matapos ang limang conferences.

Bago ito ay naunang nanalo ang Cebuana Lhuillier sa Boracay Rum, 68-66, habang ang Fruitas ay namayagpag sa baguhang Jumbo Plastic, 81-56.

May 12 puntos ang ba­guhang si Alvin Padilla pero ang kanyang assist para kay Jessie Bustos ang nagbigay ng 66-64 kalamangan sa Gems may 62 segundo sa orasan.

Nagtala naman ng 54% shooting ang Shakers sa unang yugto para hawakan ang 29-12 kalamangan, bagay na hindi na kina­yang ahunan ng  baguhang koponan.

Sina Anjo Caram, Carlo Lastimosa at Russel Escoto ay nagsanib sa 35 puntos habang si Escoto, Prince Laperal at Jan Colina ay nagtulung-tulong sa 31 rebounds, apat lamang mababa sa kabuuang re­bounds na kinuha ng Jumbo Plastic (35).

May 15 puntos, 9 re­bounds, 1 assists at 1 block si Aljon Mariano sa kanyang unang laro sa liga.

ALJON MARIANO

ALVIN PADILLA

ARVIE BRI

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

BORACAY RUM

CARLO LASTIMOSA

CEBUANA LHUILLIER

JUMBO PLASTIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with