^

PSN Palaro

Lim giniba ang Thai para sa ITF crown

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kinumpleto ni Alberto Lim Jr. ang magandang paglalaro na ginawa sa Ajay Pathak Memorial Cup ITF 14-Under Developmental Championship Division I nang manalo kay Vorachon Rakpuangchon ng Thailand, 6-2, 6-2, sa boys’ singles finals kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.

Hindi nakitaan ng mga unforced errors ang 13-an­yos at top seed na si Lim bukod pa sa matibay na groundstrokes para kunin ang kauna-unahang titulo sa ganitong kompetisyon.

Ito ang ikalawang taon na sumali sa Lim sa torneo at hinigitan niya ang dalawang quarterfinals noong 2012.

“Ang ganda ng laro ko ngayon. Feeling ko, mas nadevelop ako kumpara noon sa Phinma. Nag-improve  talaga ang footwork ko at mas tumapang ako sa court,” wika ni Lim, ang back-to-back NCAA MVP nang magkampeon uli ang Letran sa taong ito.

Hindi natalo sa apat na laro si Lim sa torneong inorganisa ng ITF Grand Slam Development Fund at Phi­lippine Tennis Academy at  inialay para sa nasirang ITF at Philta official Ajay Pathak.

Matapos ang bye sa first round, una niyang hiniya ay si Jiang Xingsheng ng China, 6-1, 6-0, bago isinunod sina Charles Roberts ng Thailand, 6-3, 6-0, at Parikshit Somani ng India, 6-0, 6-1. 

Lalahok pa siya sa se­cond week ng torneong may suporta ng  Philippine Sports Commission (PSC), Technifibre Balls at Wilkins.

AJAY PATHAK

AJAY PATHAK MEMORIAL CUP

ALBERTO LIM JR.

CHARLES ROBERTS

GRAND SLAM DEVELOPMENT FUND

JIANG XINGSHENG

PARIKSHIT SOMANI

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RIZAL MEMORIAL TENNIS CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with