Bedans, Cebu pasok sa SEAOIL NBTC semis
MANILA, Philippines - Nangibabaw ang Extreme 97 San Beda at Maynilad Cebu sa hiwalay na katunggali para makapasok na sa semifinals sa SEAOIL NBTC NatioÂnal High School Championships kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.
May 17 puntos, 4 assists, 3 rebounds at 3 steals si Joshua Carucut habang 16 puntos ang idinagdag ni Rev Diputado para sa Red Cubs tungo sa 96-63 demolisyon sa 4T Power Faith Academy sa Group B.
Umani naman ang Maynilad Cebu ng 77-61 tagumpay sa Philex DaÂvao para pangunahan ang Group D.
Ang San Beda at Cebu ay hindi natalo matapos ang tatlong laro papasok sa semifinals ngayon sa Philsports Arena at Ynares Sports Arena.
Gagawin din ang Finals ngayong hapon matapos ang SEAOIL All-Star Game na itinakda sa alas-11 ng tanghali sa Ynares.
Samantala, umangat sa 2-0 karta ang Smart Iloilo nang durugin ang Smart Legazpi, 120-35, sa Group B.
- Latest


















